Linggo, Marso 1, 2015

REPLEKSYON PARA SA IKAPITONG LINGGO ^^

           Magandang umaga aking blog ! Sa linggong ito aming napagtuunan ng pansin ang pangunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra ng nobelang Noli . Sinagot na rin namin ang katanungang iniwan ng aming guro , kung saan si Crisostomo Ibarra ay mangingibig at biktima nga ba ng pagkakataon . Sa mangingibig dahil lubos at tapat ang kanyang pagmamahal sa kanyang sinisinta na si Maria Clara at sa biktima ng pagkakataon dahil sa isa siyang anak ni Don Rafael Ibarra na labis na kinaiinggitan ni Padre Damaso kaya napagtuunan siya ng pansin ni Padre Damaso at nakaranas siya ng kasawian sa kanyang buhay . Tinalakay rin namin ang mga nagbigay kay Crisostomo Ibarra at ito ay sina Padre Damaso , Maria Clara , at ang mamamayan ng San Diego . Nagsagawavrin kami ng "Mack Trial" kung saan kailangang mailitis ng bawat grupo ang ibinigay na tauhan ng aming guro mula sa Noli at sila ay si Crisostomo Ibarra at si Elias . Matapos ang "Mack Trial" nanaig ang grupo ni Crisostomo ibarra para sa aming hukom na ginanapan ng isa sa aming kaklasengunit ang grupo na Elias ang nanaig para sa aming guro . Hanggang sa muli aking blog !

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento