Makalipas ang isang linggo , ang mahahalagang tauhan sa Noli Me Tangere ang aming tinalakay . Pinag-usapan din namin ang kaugnayan ng mahahalagang tauhan sa mga totoong taong nakapaligid sa buhay kay Rizal kaya masasabing ganoon na lamang kaganda ang nobelang Noli Me Tangere , halimbawa nito ay si Maria Clara na ideyal na babae ni Rizal . Aking natutunan na kung ikaw ay isang manunulat mas magiging maganda ang iyong akda kung ito'y may kaugnayan sa iyong buhay .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento