Magandang buhay ! Sa linggong ito aming inalam ang maaaring dahilan kung bakit nga ba isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli me tangere , at ng malaman ko ang mga kadahilanan lalo akong humanga at napaisip sa katahuan ni Jose Rizal . Nagkaroon ng debate tungkol sa paggamit ni Jose Rizal ng kanyang panulat para sa kapakanan ng bayan. Sa debateng ito kailangan maipaglaban ng dalawang grupo kung dapat ba o di-dapat ginamit ni Jose Rizal ang kanyang panulat para sa kapakanan ng bayan . Para sa akin , dapat na ginamit ni Jose Rizal ang kanyang panulat para sa kapakanan ng bayan dahil sa pamamagitan nito nagising ang mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga mananakopsa ating bansa .
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento