Lunes, Nobyembre 3, 2014

Sa tuwing siya ang aking katabi

               Dito sa loob ng silid-aralan ang aking katabi sa oras ng asignaturang Filipino ay si Kuya Mark Marasigan halina't iyong alamin ang mga bagay-bagay na aking napapansin satuwing siya ang aking katabi .
               Sa tuwing ako ay papasok sa aming silid at papunta sa aking upuan makikikita ko na lang na nakaupo si Kuya Mark ngunit kapag ako ay nakita niya siya ay kakaripas ng galaw upang lumipat sa katabi kong upuan na upuan niya . Kapag naman si Gng. Mixto ay nagpapaskil ng mga sulatin sa pisara agad niyang isinusulat ang mga sulatin na ipinaskil ni Gng . Mixto ngunit siya ay nakikilahok pa rin sa aming klase gaya ng pagbabahagi ng kanyang kaalaman tungkol sa aming aralin .
                Si Kuya Mark ay mahillig magkwento ng mga bagay-bagay na nangyari sa kanya ,  na ikinikwento niya sa tuwing kami ay magkatabi sa upuan . Nakakatuwa talaga ang mayroon kang katabi sa upuan .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento