Sabado, Nobyembre 15, 2014

Repleksyon para sa ikalawang linggo

Sa ikalawang linggo , aming tinalakay ang paghahambing o pagkukumpara sa dalawang tao , bagay , lugar , at iba pa na may magkaibang antas o paghahambing na di-magkatulad , Ang paghahambing na di - magkatulad ay may dalawang uri : Ang hambingang pasahol at hambingang palamang kung saan sa hambingang pasahol ay naghahambing sa may higit ang katangian sa pinaghambingan sa inihahambing na ginagamitan ng mga salitang lalo , di - gasino , di - gaano , di - totoo , Sa hambingang palamang naman ay naghahambing sa may higit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan na ginagamitan ng mga salitang lalo , higit / mas , kaysa / kay , labis , di - hamak . Sa naghahambing na magkatulad naman ay naghahambing sa dalawang tao , bagay , lugar , at iba pa na may patas na katangian na ginagamitan ng panlaping ka , magka , ga , sing , magkasing , at salitang paris , wangis , kawangis , gaya / tulad , hawig , kahawig , mistula , kamukha at mukha .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento