Sabado, Nobyembre 8, 2014

Repleksyon para sa unang linggo

Sa ika - 4 ng Nobyembre aming tinalakay ang tungkol sa bansang India , Bhutan , at Saudi Arabia kung saan kabilang sa Timog - kanlurang Asya at Kanlurang Asya .
            Natutunan ko na ang mga taga - Kanlurang Asya at Timog - kanlurang Asya ay relihiyoso , mayaman sa langis , at pinamumunuan ng Hari at Reyna .

            Sa ika - 5 ng Nobyembre naman ay sa Com-Lab kami pansamantalang nagtalakay para sa mga elemento , hakbang sa pagsasagawa ng TV / Movie Trailer at iba't ibang camera shots .
             Naunawaan ko ng lubos ang aming aralin dahil sa "Video Presentation " ukol sa TV / Movie Trailer .
 
              Sa ika - 6 ng Nobyembre tinalakay namin ang Bansang India , Epiko , at ang epikong Rama at Sita na binasa ni Cristian Hil Arlante sa harap ng namin .
              Sa pagtatalakay namin , mas lumawak pa ang aking kaalaman sa aming mga tinalakay ( ang Epiko , Epikong Rama at Sita , at ang Bansang India )

             Sa ika - 7 ng Nobyembre si Bb. Basbas ang pansamantala naming Guro sa asignaturang Filipino . Tinawag ni Bb. Basbas ang Top 1 hanggang 10 upang ilahad ang mga pangyayari sa epikong Rama at Sita .
            Dahil dito napansin ko na nasa Epikong Rama at Sita pa rin ang tradisyon at kultura ng bansang pinagmulan ng epikong ito .
             
           

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento