Linggo, Nobyembre 30, 2014

Repleksyon para sa ikaapat na linggo

Isang linggo ang lumipas aming tinalakay ang parabula , angg parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya , parabula ng ang mga mangagawa sa ubasan ang aming tinalakay . Ang tumatak na linya na nakapaloob sa parabulang ito para sa akin ay "ang mga nauuna ay nahuhuli at ang mga nahuhuli ang nauuna " na isinambit ng nagmamay - ari ng ubasan . Tinalakay rin namin ang literal , simboliko , at espiritwal na kahulugan ng isang salita na mula o kaugnay sa parabulang  ang mga mangagawa sa ubasan .

Sabado, Nobyembre 22, 2014

Repleksyon para sa ikatlong linggo

Sa ikatlong linggo ng ikatlong markahan kami ay nagbalik - aral ukol sa paghahambing at kami ay nagkaroon ng pagsasagot kung saan iyong ibibigay ang iyong desisyon kaugnay sa sitwasyon kami rin ay nagbalik - aral sa epikong Rama at Sita at sa huli naman ay sinagutan ng aming piling kaklase ang pokus na tanong nang sa gayon higit pa naming maintindihan ang koneksyon ng aming pinagaralan sa unang aralin .

Sabado, Nobyembre 15, 2014

Repleksyon para sa ikalawang linggo

Sa ikalawang linggo , aming tinalakay ang paghahambing o pagkukumpara sa dalawang tao , bagay , lugar , at iba pa na may magkaibang antas o paghahambing na di-magkatulad , Ang paghahambing na di - magkatulad ay may dalawang uri : Ang hambingang pasahol at hambingang palamang kung saan sa hambingang pasahol ay naghahambing sa may higit ang katangian sa pinaghambingan sa inihahambing na ginagamitan ng mga salitang lalo , di - gasino , di - gaano , di - totoo , Sa hambingang palamang naman ay naghahambing sa may higit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan na ginagamitan ng mga salitang lalo , higit / mas , kaysa / kay , labis , di - hamak . Sa naghahambing na magkatulad naman ay naghahambing sa dalawang tao , bagay , lugar , at iba pa na may patas na katangian na ginagamitan ng panlaping ka , magka , ga , sing , magkasing , at salitang paris , wangis , kawangis , gaya / tulad , hawig , kahawig , mistula , kamukha at mukha .

Sabado, Nobyembre 8, 2014

Repleksyon para sa unang linggo

Sa ika - 4 ng Nobyembre aming tinalakay ang tungkol sa bansang India , Bhutan , at Saudi Arabia kung saan kabilang sa Timog - kanlurang Asya at Kanlurang Asya .
            Natutunan ko na ang mga taga - Kanlurang Asya at Timog - kanlurang Asya ay relihiyoso , mayaman sa langis , at pinamumunuan ng Hari at Reyna .

            Sa ika - 5 ng Nobyembre naman ay sa Com-Lab kami pansamantalang nagtalakay para sa mga elemento , hakbang sa pagsasagawa ng TV / Movie Trailer at iba't ibang camera shots .
             Naunawaan ko ng lubos ang aming aralin dahil sa "Video Presentation " ukol sa TV / Movie Trailer .
 
              Sa ika - 6 ng Nobyembre tinalakay namin ang Bansang India , Epiko , at ang epikong Rama at Sita na binasa ni Cristian Hil Arlante sa harap ng namin .
              Sa pagtatalakay namin , mas lumawak pa ang aking kaalaman sa aming mga tinalakay ( ang Epiko , Epikong Rama at Sita , at ang Bansang India )

             Sa ika - 7 ng Nobyembre si Bb. Basbas ang pansamantala naming Guro sa asignaturang Filipino . Tinawag ni Bb. Basbas ang Top 1 hanggang 10 upang ilahad ang mga pangyayari sa epikong Rama at Sita .
            Dahil dito napansin ko na nasa Epikong Rama at Sita pa rin ang tradisyon at kultura ng bansang pinagmulan ng epikong ito .
             
           

Lunes, Nobyembre 3, 2014

Sa tuwing siya ang aking katabi

               Dito sa loob ng silid-aralan ang aking katabi sa oras ng asignaturang Filipino ay si Kuya Mark Marasigan halina't iyong alamin ang mga bagay-bagay na aking napapansin satuwing siya ang aking katabi .
               Sa tuwing ako ay papasok sa aming silid at papunta sa aking upuan makikikita ko na lang na nakaupo si Kuya Mark ngunit kapag ako ay nakita niya siya ay kakaripas ng galaw upang lumipat sa katabi kong upuan na upuan niya . Kapag naman si Gng. Mixto ay nagpapaskil ng mga sulatin sa pisara agad niyang isinusulat ang mga sulatin na ipinaskil ni Gng . Mixto ngunit siya ay nakikilahok pa rin sa aming klase gaya ng pagbabahagi ng kanyang kaalaman tungkol sa aming aralin .
                Si Kuya Mark ay mahillig magkwento ng mga bagay-bagay na nangyari sa kanya ,  na ikinikwento niya sa tuwing kami ay magkatabi sa upuan . Nakakatuwa talaga ang mayroon kang katabi sa upuan .