Biyernes, Marso 20, 2015

K-12

        'Film' dito , 'Commercial' doon , 'Sayaw dito' , 'Report' doon , mga halimbawa ng mga produktong kailangang ipasa . Halos lahat ng aming asignatura isa o dalawa rito ang naging produkto namin . Para sa ibang estudyante hindi maganda ang K-12 dahil sa matagal na pag-aaral nila sa hayskul , ngunit sa mga bagay - bagay na ginawa naming mga estudyante ngayong taon napagtanto ko may mabuting naidulot ang K -12 sa amin dahil sa iba't - ibang gawaing naidagdag mas nadagdagan rin ang tiwala sa sarili na posibilidad na magdala sa pangarap ng estudyante at pagsikapan pa ang pag - aaral . Hanggang sa muli aking blog !

Siya bilang Guro ♡♥♡

         Mailalarawan ko ang aking guro bilang prangka , malalim , maganda , at strikta . Ang aking guro ay hindi basta - basta , bubusisiin talaga ang bawat sagot mo kaya kailangang pag-isipin ang sasabihin . Kung minsan sa utak ko may katanungang bumabagabag , pero hindi ko pa naitatanong nabibigyan niya na ito ng kasagutan kaya ako ay nabibigyan kalinawagan . Matatawag na pinagpala ang mga estudyante ng aking guro sa ngayon at sasusunod pang taon dahil kung makikinig ka talaga sa kanya tiyak may matutunan ka at malilinawagan ka talaga sa mga bagay - bagay . May mga pagkakataong marami talaga siyang pinapagawang aktibidades pero napagtanto ko na malaki ang naitulong nito upang maunawaan pa ng isang estudyante ang kanilang pinag -aaralan . Hanggang sa muli aking blog !

Pangkat -Siyam ♥♡♥

          Sa pagtungtong ko sa pangkat - siyam marami aking natutunan , iba't - ibang kaklaseng nakilala , at mga karanasang hindi malilimutan . Iba't iba man ang mga kaugalian ng mga taong aking nakilala ko para sa mga taong ito , alam ko na mayroon silang ginampanang malaki sa buhay ko kaya salamat sa kanila at sila rin ang nagbigay - daan kaya ako ay maraming natutunan sa mga bagay -bagay . Mga karansan ko naman ay iba - iba para sa taong ito , may masaya , malungkot , nakakamangha at iba pang mga karanasan . Marami na ring nagbago sa pananaw ko sa buhay , kung dati ay ayos na ang pagkukumpleto ng mga dapat ipasa , ngayon ay dapat maipasa mo ito na naibigay mo ang buong puso mo sa paggawa nito dahil para sa akin mahalaga ang magkaroon ng mataas na marka ang iyong ginawa dahil sa balang araw makikita mo ang magandang bunga nito ^^ ayun lamang aking blog =)

Linggo, Marso 15, 2015

PANGKATANG GAWAIN (TULA) ^^


REPLEKSYON PARA SA IKASIYAM NA LINGGO ^^

           Sa linggong ito kami ay nagkaroon ng "Pre-lims"  kaya aming inaasahang matapos itong isagawa magkakaroon kami ng pagtatama ng papel . Nagsagawa kami ng pangkatang gawain na may kaugnayan kay Maria Clara at ang bawat pangkat ay gumamit ng kani - kaniyang paraan ng pag-uulat karamihan ang nagdula-dulaan samantalang ang aming grupo ay nagdebate . Nagkaroon rin kami ng talakayan ukol sa pagdedesisyon ni Maria Clara sa kanyang buhay . Muli kaming nagkaroon ngbpangkatang gawain kung saan iniatas ng aming guro ang pag-uulat ng "Tunay na Pagibig" sa iba't - ibang paraan , angvpagsasagawa ng poster , awit , tula , at islogan . Para sa aming huling gawain ipinakunan ng aming guro ng litrato ang ginawa ng bawat pangkat at kinakailangang i-post ito sa aming blog pati na rin ang isasagawa naming maikling kwento tungkol sa kalakasan na dapat taglayin ni Maria sa gagawin naming maikling kuwento . Ayun lamang para sa linggong ito aking blog !

ANG MAKABAGONG MARIA CLARA ^^


q

Linggo, Marso 8, 2015

REPLEKSYON PARA SA IKAWALONG LINGGO ^^

          Matapos naming pagtuunan ng pansin si Crisostomo Ibarra sina Elias , Maria , at Sisa naman ang amingvpinagtuunan . Si Elias ang pinaka-pinagtuunan namin ng pansi para sa linggong ito . Si Elias ay mabuti at matapang na kaibigan para sa akin dahil kahit nalaman niya ang tungkol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra , ang nagpahirap sa kaniyang pamilya , pinili niya pa rin ang pagkakaibagan nila at itinuloy ang hangarin sa kanilang bayan . Isa ring matatag at makabayan si Elias dahil sa kabila ng kanyang karanasan ng siya ay bata pa lamang at naituring na siyang rebelde sa kanilang bayan , ninais niya pa rin na magkaroon ng pagbabago sa kanyang bayan . Ipinaghamibing namin si Maria Clara kay Sisa kung saan si Maria ay may malaking kaibahan kay Sisa . Sa kutis at pananamit pa lamang ay makikita na . Si Maria ay kumakatawan sa dalagang Pilipina samantalang si Sisa ay kumakatawan sa ulirang ina at asawa . Hanggang sa muli aking blog !