Sabado, Enero 31, 2015

REPLEKSYON PARA SA IKATLONG LINGGO ^^

        Makalipas ang isang linggo , ang mahahalagang tauhan sa Noli Me Tangere ang aming tinalakay . Pinag-usapan din namin ang kaugnayan ng mahahalagang tauhan sa mga totoong taong nakapaligid sa buhay kay Rizal kaya masasabing ganoon na lamang kaganda ang nobelang Noli Me Tangere , halimbawa nito ay si Maria Clara na ideyal na babae ni Rizal . Aking natutunan na kung ikaw ay isang manunulat mas magiging maganda ang iyong akda kung ito'y may kaugnayan sa iyong buhay .

Linggo, Enero 25, 2015

REPLEKSYON PARA SA IKALAWANG LINGGO ( IKAAPAT NA MARKAHAN ^^ )

   Magandang buhay ! Sa linggong ito aming inalam ang maaaring dahilan kung bakit nga ba isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli me tangere , at ng malaman ko ang mga kadahilanan lalo akong humanga at napaisip sa katahuan ni Jose Rizal . Nagkaroon ng debate tungkol sa paggamit ni Jose Rizal ng kanyang panulat para sa kapakanan ng bayan. Sa debateng ito kailangan maipaglaban ng dalawang grupo kung dapat ba o di-dapat ginamit ni Jose Rizal ang kanyang panulat para sa kapakanan ng bayan . Para sa akin , dapat na ginamit ni Jose Rizal ang kanyang panulat para sa kapakanan ng bayan dahil sa pamamagitan nito nagising ang mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga mananakopsa ating bansa .

Linggo, Enero 18, 2015

UNANG LINGGO PARA SA IKAAPAT NA MARKAHAN ^^

       Hay ... kay bilis ng panahon ikaapat na markahan na .
Narito ang pagbabalik tanaw sa aming ginawa at tinalakay sa unang linggo . Sa unang araw ng ikaapat na markahan ipinaalam na ni Gng . Mixto ang aming medyo may pagkabigat na proyekto kaya agad nyang ipinaalam at ito ang paggawa ng 'short film' at 'movie 'trailer' para sa 'short film' na aming gagawin tungkol ito sa Noli Me Tangere na aming tatalakayin sa huling markahan . Aming tinalakay ang aming kaalaman tungkol sa Noli Me Tangere , marami sa amin ang pamilyar na sa Noli Me Tangere ni Jose Rizal ngunit  marami pa kaming dapat alamin sa Noli at tinatawag pala itong klasikong babasahin sapagkat ito'y konektado pa rin sa panahong moderno ngayon kahit ito'y napakatagal ng nagawa o nailabas sa publiko .
        Nagkaroon kami ng unang pagtataya sa ikaapat na markahan na pinamunuan ni Ginoong Mixto at amin ring itong itinama . Nakakuha ako ng pasadong marka  kaya namansa tingin ko may kaunting kaalaman na ako para sa mga aralin ng ikaapat na markahan.

Biyernes, Enero 2, 2015

Repleksyon para sa ikalimang linggo

        Sa linggong ito ang mga sumusunod ang aming tinalakay . Una ang elehiya ng anak para sa kanyang magulang na aming pinakinggan at pagkatapos nito'y nagbigay si Gng . Mixto ng gawain kung saan ibibigay namin ang aming naramdaman o mararamdaman kung nawalan o mawalan ka man ng minamahal sa buhay kaya't naalala ko ang aking lolo at naramdamang muli ang sobrang lungkot ng siya'y nawala .
        Ang elehiya rin para sa aking kuya ay aming tinalakay kung saan aking natutunan na dapat habang buhay pa ang mga taong mahal mo sa buhay ay naiparamdam mo na sa kanila ang pagmamahal mobpara sabkanila at natutunan kobrin ang kahulugan ng elehiya , na ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin sa ala-ala ng isang mahal sa buhay