Biyernes, Pebrero 20, 2015

REPLEKSYON PARA SA IKAANIM NA LINGGO ^^

         Magandang gabi aking blog ! Sa linggong nakalipas nakatuon pa rin ang aming talakayan sa nobelang Noli Me Tangere . Nagkaroon muli kami ng pangkatang gawain nang sa gayon lalo pa naming maunawaan ang pagkatao ng pangunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra . Sa naganap na pangkatang gawain aking napagtanto ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra bilang mangingibig at anak . Bilang mangingibig ni Crisostmo siya ay naging tapat dahil sa pangyayari sa kabanatang pinamagatang suyuan sa asotea , dito kahit na nasa Europa si Crisostomo Ibarra inaalala niya pa rin si Maria Clara . Siya rin ay biktima ng pagkakataon dahil sa ama niya si Don Rafael Ibarra na labis ikinainggitan ni Padre Damaso , kaya naman nakaranas si Crisostomo Ibarra ng kasawian sa kamay ni Padre Damaso . Ayun lamang aking blog , hanggang sa muli  !

Linggo, Pebrero 15, 2015

REPLEKSYON PARA SA IKALIMANG LINGGO ^^

           Sa linggong ito , ipinagpatuloy ang pag-uulat ng bawat pangkat at kaming pangkat ang nanguna at matapos naming mag-ulat ang tanging ginawa ng mga natapos na pangkat ay ang makinig sa huling mag-uulat , ang pangkat apat . Sa pag-uulat ng huling pangkat marami kaming nakinig dahil kasama rito ang iba pang estudyante ng aming guro at sa huling araw ng linggong ito dahil sa malapit na ang araw ng mga puso , ang aming guro ay inatasan kaming lahat upang gumawa ng isang tula na para sa isa o mga tao na mahal mo na ilalagay sa makulay na papel . Ayun lamang at Maligayang araw ng mga puso ♥♡♥

Sabado, Pebrero 7, 2015

REPLEKSYON PARA SA IKAAPAT NA LINGGO ^^

        Masaya ako sa linggong ito dahil naganapvna ang "Parade of Characters " na isinagawa ng bawat pangkat . Ikinatuwa ng aming guro ang presentasyon ng bawat pangkat . Nakakatuwang isipin na halos lahat ay nabigyang hustisya ang kani-kanilang ginanapan sa mga tauhan ng Noli Me Tangere . Ang aking ginanapang tauhan ay si Sisa ngunit ang napiling pinakamahusay na gumanap na Sisa ay nasa ikalawang pangkat at napansin din ang Crispin at Basilio na ginanapan ng isang miyembro sa unang pangkat na lubos naming ikinatuwa . Sa naganap na "Parade of Characters" nakilala ko pa lalo ang mga katauhan ng Noli . Nagkaroon din kami ng pag-uulat na sinimulan ng pangkat isa . Iniulat nila ang mga kabanatang ibinigay sa kanila ng aming guro . Maganda ang kanilang presentasyon para sa akin . Ayun lamang para sa linggong ito aking blog hanggang sa muli.